Sacrilegious heroes

Noon una kong mabasa ang tungkol sa paggawa ng GMA7 ng sarili nilang bersyon ng Shaider, napamura ako at talagang kumulo ang aking dugo. Ganoon din ang naging reaksyon ng mga tao sa opisina nang ipabasa ko sa kanila ang tungkol doon.

Kung maaalala natin, ilang linggo na ang nakararaan, ipalabas ng istasyon ang Lupin na hango sa karakter ng bida sa Lupin III na gawa ni Monkey Punch. Wala akong nasabi kahit gusto kong sumigaw ng SACRILEGE dahil para sa akin isang pagbalahura sa karakter ni Lupin ang gawin siyang madrama. Natutuwa ako sa karakter ni Lupin na matalino, mapagbiro, masayahin subalit kung minsan ay nauutakan din (ni Fujiko).

Ganun din ang Shaider. Isa akong 80’s kid at ang Shaider ay malaking icon ng aking kabataan. Di ko talaga maintindihan kung bakit kailangang gumawa pa sila ng ibang bersyon ng mga karakter na ito? Wala na ba talaga silang maisip na ibang orihinal na karakter na ipapalabas sa kanilang telepantasya series?

-

Am I the only one who find Peter Parker’s dancing moves adorable in Spider-Man 3? And thinks that it totally saves his lame ass for acting and looking emo in the movie?

7 Responses to “Sacrilegious heroes”

  1. Posted by jp on May 9th, 2007 at 11:57 am

    tama ka dyan. Talagang walang originality. Kahit nga yung captain barbel ay ginaya ang concept sa smallville. Puro pangongopya nalng ang alam nila.

  2. Posted by jepoy on May 9th, 2007 at 1:50 pm

    kinain ng GMA-7 yung sinabi nila dati… http://www.gameops.net/2007/05/gma-7-acquires-exclusive-rights-to.html

  3. Posted by Xanne on May 10th, 2007 at 12:10 am

    Parang tulog lang yung Lupin nila eh… parang tulog lang si Richard…

    Tsaka nag-popolo ba si Lupin? Diba lagi syang naka-red na long-sleeves?

  4. Posted by Mae on May 10th, 2007 at 12:21 am

    huwaaat?? gagawin nila yung shaider?? akala ko reruns lang, natawa nga ako eh… :( tsk, ang lame pa naman mag-adopt ng GMA kainis naman oh! x_x

  5. Posted by ia on May 10th, 2007 at 6:04 pm

    Ew. Noooooooo. Another sign that this country is pathetic.

  6. Posted by BARAZZA on June 1st, 2007 at 6:28 pm

    Siguro…gawin nalang nilang mganda ung shaider..wag sanang mapares sa SUPER TWINS.Aaminin ko kapuso ako!pero…daig na daig sila ng Rounin ni Erik Matti..Sana the same parin yung format…metras iniiba lalong pumapangit…Sana Artista lang ang baguhin..Pls..lang huwag mag mainam…wag babuyin!!!as is lang ninyo…at ang special effect…lang ang pagtuunan ng pansin.Im sure love team na naman yan!wla kaung mapapanood na Fighting Scenes..meron man saglit lang…badoy pa!As is nyo lang..bka mdami pang matuwa direk…mgaling si direk zapata eh…

  7. Posted by I watch Zaido and Marimar | Cureless - blog, works and personal site of Yoru on October 17th, 2007 at 9:01 pm

    [...] anyone reacts violently and yell H-Y-P-O-C-R-I-S-Y in big bold red letters at my face for calling them sacrilegious and for making this comment over Sugoi Stuff, let me do it to myself. Yes, I’ve been watching those [...]

Leave a Reply