Bakit hindi nating kayang magbigay nang buo? Bakit kelangang kapiraso lang?
Naalala ko kanina yung nakasakay kong babae galing Cubao papuntang Katipunan. Nakita ko kasing marungis ang kanyang pananamit at halatang iniiwasang makatabi ng ibang pasahero ng jeep. Parang gusto kong ibigay ang jacket ko sa kanya. May dalawa pa naman akong jacket - yung Shohoku tsaka yung binili ko nung highschool nung nanalo kami sa Quiz Bee.
Bakit ako palaging nag-aalinlangan? Ayokong magbigay ng rason. Bakit kapiraso lang ang kaya kong ibigay?
-
Bakit kailangan ko pang mag-ipon bago magvolunteer? Para sa pamilya? Wala! Wala akong karapatang magkaroon ng pamilya. Pasensya na kung mag-aala-Hitler ako. Dahil walang karapatang magpalaganap sa mundo ang mga taong hindi perpekto. Sa ngayon, naniniwala ako sa Genetic Selection para sa mga tao.
-
Bakit di ko na lang ibigay nang buo? Gusto kong maging Siya. Ibinigay niya ang lahat. Puno raw ako ng "magis" ayon sa seminaristang kakilala ko. Bola ba, ewan? Para sa tao, para sa iba. Yun naman talaga dapat ang "magis". Pero hindi buo. Kapiraso lang.





