Pista bukas sa Batasan Hills
Makiki-kain kami. (Hehe) Gigising ako nang maaga para makadalo sa misa.
Nakipagkita ako kanina sa kaibigan ko nung highschool. Di pa sya tapos sa kurso nya sa UPLB. Hay, pagkatapos ng tatlong taon. Walang masyadong nagbago maliban sa boses nya, tsaka di na rin sya kuripot.
Nagkataong may palabas kanina sa SM Megamall dahil Araw ng Kalayaan ngayon. Kung di ko pa nakita yung palabas, makakalimutan ko sana. Ika-106 taon nang pagdiriwang ng kalayaan pero wala pa ring pagbabago.
Sayang, wala sa show si Bamboo, tema pa naman yung “Hoy! Pinoy ako!“, ganito ang lyrics ng kanta niyang Noypi diba? Pero nandun si Jett Pangan at Francis M.
