Ang isyu na ito ay tungkol sa pagtatapat...
Wala sa akin ang karapatan para sabihin ang katotohanan sa likod noon. Ngunit isa lang ang masasabi ko. Hanga ako sa kanya. Kung noon ay mataas ang iniuukol kong respeto sa kanya, mas mataas ngayon. Dahil doon sa sinabi nya, napatunayan niyang kaya niyang kilalahin ang kanyang sarili at hindi magkunwari tungkol dito. Walang nagbago sa pagtingin ko sa kanya...
Sa isang panig, nalulungkot ako sa nangyari dahil sa loob ng panahong nakasama ko sya, minahal at nirespeto ko bilang kaibigan yung bahagi ng kanyang pagkatao na nais niyang ipakita sa amin. At ngayong iisang taon na lang ang nalalabi para mas makilala ko (at ng lahat) nang lubusan ang bahagi ng pagkatao nyang iyon, tila hindi nito matutumbasan ang mahigit 3 taon naming pagkakakilala.
--
Hah! Pero masaya!






