Ignatian Retreat: Unang Bahagi
Masaya ang retreat noong Marso 29 hanggang Abril 1. Masaya ako dahil nakausap ko Siya. Naibahagi ko nga sa kanila na noong unang araw ay madrama dahil puno ng iyakan. Ayoko nang banggitin ang mga detalye ngunit ito’y tungkol sa landas na nais ko sanang tahakin pagkatapos ng kolehiyo. Hindi maluwag sa loob ng aking mga magulang ang ninanais ko kaya masama ang loob ko at maraming beses ko na itong iyakan. Mabuti na lamang at nakausap ko Siya nang bukas ang aking loob. Siya ang God of Consolation. Kinagabihan noon, may resolusyon nang nabuo sa aking isipan.
Gusto ko na yatang mag-madre. Kung iisipin, mas malala pa yun sa pangarap kong maging JVP. Kunsabagay, siguro pag nakaipon na ko ng sapat na halaga para maisuporta sa aking sarili, maaari ko nang mapanindigan ang nais ko. Pero sa ngayon, ang nais muna Niya ang mananaig.
Nakakapagbago talaga ng buong pagkatao ang ispiritwal na transpormasyon. Sana maglagi ito sa akin ng matagal. Tapos napanood ko pa yung Passion… Parang gusto ko nang magpakamatay sa panonood ng hirap na dinanas ni Jesus sa pelikula… Mahal tayo ng Panginoon… iyon lang ang masasabi ko.
~ I am holy! Wheeee!