Cureless - blog, works and personal site of Yoru

Cureless

Cureless is the online journal (blog) of Yoru, a Filipina, programmer, ex-military, an anime otaku, a casual DoTA and MMORPG gamer and a self-proclaimed artist - in short, a geeky nerd and a fan.
Take a peek at her occasional ramblings about random passions and life experiences, browse her archives and works.

email

flickr

2008-philippine-toycon-Ultraman2008-philippine-toycon-992008-philippine-toycon-982008-philippine-toycon-97

Pinag-uusapan

Totoo nga daw na pinag-uusapan na sa aming paaralan ang tungkol sa itinanghal nilang Valedictorian ng Batch 2004. Sa totoo lang, magkahalong saya at inggit ang nararamdaman ko para sa kanya. Masaya ako dahil isa siyang Physics major. Para sa akin, parang napatunayan na rin niya na MAY KWENTA ang aming kurso. Biruin mo, mas nataasan niya ang pinakamagaling sa Ateneo High na ka-batch namin.

Nalaman ko ang tungkol dito nang batiin ng aming guro sa PolSci yung parang Salutatorian ng batch (yung taga-Ateneo high). Syempre bulung-bulungan kung sino ang nag-top. Biglang sinabi ng katabi ko na SIYA ang nag-top. Pareho ata ang high school (Pisay) nila kaya kilala nya.

Hindi mo talaga aakalaing Physics major siya. Hindi sya yung stereotypical na nerd. Maganda at magaling pumorma. (Naks! Wala na kasi akong makuhang termino) Sa ibang salita ay hindi siya katulad namin na nerd at mukhang weird. ^_^'

Naalala ko lang apat na taon na ang nakalilipas nung magtapos ako sa highschool. Nakuha ko ang top honors. Marahil magtataka ang iba kung bakit ni wala man lang akong distinksyon na nakuha sa kolehiyo. Marahil ito ang sinasabi kong "kabilang banda" ng aking kasiyahan. Lubhang mahirap para sa akin (at sa iba) ang kursong kinuha ko. Maraming beses na gusto ko na talagang lumipat dahil nawawalan na ako ng pag-asang maitaas ang aking sarili. Nawawala na rin ang interes ko sa naturang subheto.

Tapos ngayon, bigla na lang may isang tao na lilitaw na pinakamagaling kahit napakahirap ng kanyang kurso. Hindi ako nanlulumo dahil sa isa siyang Physics major. Sa katunayan, nabanggit ko na masaya ako dun. Ang hindi ko lang matanggap sa sarili ko sa kasalukuyan ay ang ginawa kong pagpapabaya.

Mas masaya at masarap pala ang biyaya kapag matagal mo itong pinaghirapan. Masaya ako nung graduation namin sa highschool. Ngayon, hindi ko na talaga mahanap ang isang mas kumpletong kasiyahan dahil nauubos ito sa mga mumunting kasiyahan na naranasan ko.

Pero masarap ding matuto. ^_^

Download FREE WordPress Themes

Download FREE WordPress Themes

Sponsored Links

  • Hire Me via PayPerPost Direct!