ERYA NA NAMAN!

ERYA NA NAMAN!

Ay, bukas may erya na naman kami sa Konsti Hills… Tinatamad ako… Gusto kong “maglaro” na lang ng Ragnarok Online buong gabi. Sana matapos na ang thesis namin. Sana mababait ang mga bata bukas. Sana mabait na si Myko. Sana hindi ako nagmumukhang nagkukunwari habang ginagawa ko ang mga bagay na ito.

Tinanong kami ni JB nung isang meeting kung anong mas pipiliin naming gawin sa Sabado ng hapon. Awtomatikong sagot ko na “syempre ACIL”, kasi ito lang naman talaga ang panahon ko para magdasal. Hindi ako nagsisimba pag Linggo. Pwera na lamang kung may kasama. Natandaan ko dati nung C3 Con sa Megamall, pagdating ng alas-4 ng hapon, umalis muna kami sa Megatrade Hall para makinig ng misa sa Level 5 din ng mall. Pero iba pa rin ang missa sa pagdarasal. Tulad ko, mula nang umalis ako sa probinsya, nawala na ang komunidad na kinabibilangan ko. Di ba kailangang kabilang ka sa isang “community of believers”? Nararamdaman ko lang yon kapag may formation session kami sa ACIL at bawat isa sa amin ay nagbabahagi ng kung anuman tungkol sa aming buhay.

ROCO FOR PRESIDENT

Sinabi kong hinding hindi ko iboboto si Ping Lacson para sa pagkapresidente at mas gugustuhin kong manalo si FPJ kaysa iboto ko siya. Ngunit parang nais ko nang kainin ang sinabi ko… Marahil ay naimpluwensyahan ako ng mga tao sa paligid ko. Unang-una talaga ay si Roco na ang kandidato ko pagka-presidente. Pero di rin naman matatawaran ang kakayahan ng ilan sa mga napipisil na manalo sa May 2004 elections. Ipinagdarasal ko na lamang na sana’y maging mabuting halimbawa ang mananalong pangulo sa kanyang mga mamamayan.

Leave a Reply