Paano masosolusyonan ang structural injustice sa Pilipinas?
Hindi muna ako nakapagpost dito nang medyo lumampas sa 2 araw dahil sa nainis ako sa naging takbo ng usapan ng aming grupo sa Social Awareness session namin nung Sabado. Hindi ko pa talaga napagmumuni-munihan ang tungkol dito kaya atubili akong isulat. Pero sabagay, ano nga ba naman ang pakialam ng iba, e akin tong prebilehiyo.
Tungkol sa “structural injustice” ang paksa ng aming usapan. At syempre tinatanong kami ng moderator (na sya naming presidente sa org) kung paano ito masosolusyuhan.
Nakow, e, posible ba yun? (Syempre ang nagsasalita dito ay ang may pagka-cynical kong pag-iisip.) Nagagawa lamang nating pag-isipan ang mga tungkol dito dahil may pagkakataon tayo. Naiiisip natin na kawawa ang mga mahihirap kaya kailangang mag-isip tayo ng paraan para maisalba sila. Ang malaking katanungan ay… Nagrereklamo ba sila? Tayo lang ata ang reklamo ng reklamo e.
Kung tutuusin, bakit nga ba natin nasasabing talamak na ang sakit ng struktural na kawalan ng katarungan sa lipunan? Dahil kinukumpara natin ang Pilipinas sa Singapore? o sa Japan? Bakit malaya ba sila katulad natin? Hindi ba sila yung parang mga robot na kontrolado ang subconsious ng pamahalaan? Blah blah blah…
Napakarami nating hindi nalalaman. Pasensya na pero bulsyet! ang mga teoryang ito ay galing sa tao lamang! Tuloy dito umaandar ang noon pa man ay ginawa ko ng sarili kong teorya (na akala ko ay nalinawan na ng Philosophy of Religion). Dati akala ko parang teorya ni Sartre… parang iba… chaos talaga…
O chaos ba talaga ang nasa loob ng utak ko?