Cureless - blog, works and personal site of Yoru

Cureless

Cureless is the online journal (blog) of Yoru, a Filipina, programmer, ex-military, an anime otaku, a casual DoTA and MMORPG gamer and a self-proclaimed artist - in short, a geeky nerd and a fan.
Take a peek at her occasional ramblings about random passions and life experiences, browse her archives and works.

email

flickr

2008-philippine-toycon-Ultraman2008-philippine-toycon-992008-philippine-toycon-982008-philippine-toycon-97

Ang Alamat ng Butiki

Saan nagmula ang butiki?

Naalala nyo pa ba ang kwento ng butiki na ikinukwento sa atin ni Mama nung tayo'y maliliit pa? Itinanong ito sa amin ng Philo teacher kanina... Akala ko di ko pa naririnig ang kwento, ngunit nang simulan na nyang isalaysay ito, unting-unting bumalik sa aking alaala ang kwento ni Mama...

Isang binata ang masugid na manliligaw ng isang dalaga sa kanayunan. Para mapasagot ang dalaga, hiningi nito na 'kunin ng binata ang puso ng kanyang ina'. Literal ang pakahulugan dito ng binata kaya pinatay nya ang kanyang ina upang kunin ang puso nito.

Sa kanyang paghangos patungo sa babaeng iniirog, dala ang puso ng ina, ang binata ay nadapa. "Tsk!" sambit niya. Nanghinayang siya sa ginawa nya sa kanyang ina. Unti-unting lumiit ang katawan ng binata, tinubuan siya ng buntot. Hanggang sa naging maliit na hayop na tinatawag natin ngayong BUTIKI.

--

May pagka-"morbid" ang kwento diba? Ngunit higit dito ay ang aral na isinasaad sa kwento. Inatake ng konsensya ang binata dahil sa kagagawan niya sa sarili niyang ina. Sa Pilipinas, maging sa maraming lugar sa Asya, ang ina ay ang pinakasagradong simbulo ng moral ng isang tao. Kapag nilabag ng isang tao ang kanyang ina, hindi lang siya 'walang-hiya' o 'asal-hayup'. Hindi na siya tao.

Sa tuwirang pagtalikod ng isang tao sa kanyang oryentasyon patungo sa mabuti, tinatalikdan niya ang kanyang pagkatao. Unti-unting lumalabo sa kanyang pandinig ang boses ng konsensya... Ito ang tunay na boses ng tao.

Sa kwento ng alamat ng butiki, nabalutan ng kalabuan ang konsensya ng binata dahil sa matinding pagnanais niyang mapasagot ang babae. Kulang siya sa katwiran at hindi man lamang niya napag-isipan nang matino ang kanyang desisyon na kitilin ang buhay ng sarili niyang ina.

Madalas, ganito ang nangyayari kapag nakakagawa ng krimen ang isang tao. May pangangailangan siya, kulang ang kanyang kaalaman, o kaya'y nabaling na talaga ang kanyang oryentasyon sa kabilang panig. Tulad ng binata na natuklasan ang kanyang pagkakamali sa hulihan, marami rin sa mga taong nakagagawa ng hindi ayon sa konsensya ang natatauhan sa huli na mali ang kanilang pagpapasya.

--

Kaya nga daw sa darating na eleksyon, Mayo 2004, kailangang bumoto ang mga tao ayon sa kanilang konsensya. Sinasabing ganti daw ng masa ang eleksyong magaganap, sa EDSA II na pinangunahan ng mga burgis at nakatataas sa lipunan. Marahil ay hindi talaga nila ginagamit ang kanilang konsensya... Katulad ng sa kwento, maaaring ikinukubli ng galit, pangangailangan, at ito ang hindi maitatanggi, kawalan ng kaalaman, ang boses na nasa kaibuturan ng kanilang pagkatao.

Masakit man o ayaw man nating isipin, ang kawalan ng kaalaman talaga ang sanhi kung bakit hindi nahuhukay ng mga taong ito ang boses ng kanilang kalooban. Dahil sa ang kaalaman ang nagpapalawak sa ating katwiran sa paghahanap ng katotohanan, ito rin ang susi at gabay natin upang tahakin ang landas ng mabuti.

Download FREE WordPress Themes

Download FREE WordPress Themes

Sponsored Links

  • Hire Me via PayPerPost Direct!