Nabanggit

Nabanggit ko ba yung formation session na isinagawa ng ACIL nung Sabado sa San Jose Seminary? Hay, maganda po ang resulta. Bago kami pumunta do, sa processing nung mga naganap sa area (Batasan/Konstitution Hills), ipinaliwanag ng aming mga bosing (sina JB, Nanan at Citas) na kailangan naming mag-share dahil importante yun sa growth namin bilang mga katekista.

Nakakatuwa ang nangyari dahil lahat ay nag-share! Nagbabahagi din ako ngunit hindi madalas dahil minsan sa praying session namin, nakakatulog ako. Tuloy di ko makausap ang Diyos. Pero nung oras na iyon, inaantok pa rin nga ako, pero may gusto talaga akong ibahagi sa kanila…

Nung bakasyon kasi, 2 linggo yung ginugol ko sa bahay. Madalas, isang linggo (kasama ang Pasko ng Pagsilang) lang ako sa probinsya para ilaan naman ang nalalabing linggo (kasama ang Bagong Taon) dito sa lungsod. Nais ko sanang magdasal at mag muni-muni nung mga panahon na iyon. Pero anong ginawa ko? Nagpakababoy. Oo, natulog, kumain, nanood ng telebisyon. Yung lang ang ginawa ko buong bakasyon. Kaya tuloy, di ko naayos yung mga katiting na detalye na inaayos ko sa aking pagkatao. Sabi ko sa kanila, may galit na sumulpot at namuo sa damdamin ko. Ewan ko, di ko talaga alam kung bakit. Galit ako sa kanila - sa lolo’t lola ko. Sabi ni Ate Jacq, mangumpisal daw ako kung mayroon pang bumabagabag sa akin. Ito raw ang solusyon para malutas yung itinatagong damdamin sa dibdib. Yun bang nangyari na pinipilit nating wag tanggapin…

Naku, salamat naman. Ang ibang mga nagbahagi, madami rin akong natutunan sa kanila. Tulad na lang ng isang nagbahagi ng kanyang karanasan. Sa lipunan daw kasi, kapag mag-isa ka, itinuturing ka nang isang talunan. Subalit hindi naman dapat itong maging sagabal sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Minsan daw kasi, nais nating magkaroon ng kaibigan o kasa-kasama dahil hindi ayaw nating mag-isa kundi ayaw nating makita tayo ng lipunan na nag-iisa. Lahat ng ito’y bahagi lamang ng masalimuot na lipunan, at hindi naman mababawasan ang iyon pagkatao kung di ka sumunod dito.

Leave a Reply