Ang Pagbabalik ni Shaider
Nanood ako ng GMA ngayong umaga at nabigla ako nang makita ko ang isang bata na tinatawag ang kanyang aso na Yoyong. Parang pamilyar sa akin ang eksena. Parang napanood ko na to ah. Bigla akong kinilabutan.
At nang makita ko ang pansamantalang paghinto para sa commercial break. Putsa, SHAIDER nga! Bumalik na si Shaider - si Alexis, si Annie at ang batang lalaki na nakalimutan ko na ang pangalan. Matagal ko na rin tong na-miss. Biruin mo, nga pitong taong gulang pa lamang ako nang madalas kong mapanood ang Sentai Show na to sa recorded na betamax tape sa bahay ng aking uncle sa probinsya.
At ngayon… Ang aking paborito ay nagbalik. Kaya nagsaliksik ako sa internet upang malaman pa ang ilang detalye tungkol dito. Subalit nanlumo ako nang malaman kong matagal na palang patay ang artistang gumanap bilang pangunahing tauhan sa palabas. Nabasa ko ang balita dito mula sa Anime News Service. Di bale, sana’y marating ni Hiroshi Tsubaraya, gumanap bilang Shaider, ang nais marating ng kanyang kaluluwa.
-
Sorry if my entry is in Tagalog. I just feel sentimental towards Shaider and those that became part of my childhood. Chances like these give me goosebumps. Ah nostalgia.
November 23rd, 2003 at 6:19 pm
holy syet! nakakinis, umaga ako nagsisimba. d ko mapapanood, namimiss ko na si annie. idol!
November 24th, 2003 at 12:13 am
nagbalik na nga si SHAIDER!!! waaah. sinabi rin nung pinsan ko kanina. i was cursing her because she didnt wake me up. nde ko tuloy nakita! waaaah. shige-shige waka-shige uwa… shige shige… hahaha!
December 2nd, 2003 at 7:03 pm
OO NGA PALA!!! Napanood ko yung first episode nung isang lingo tapos siyempre nakalimutan kong panoorin nung last Sunday! Wala akong kuwenta! ~.~;;;
December 3rd, 2003 at 11:40 am
^^;;
December 5th, 2003 at 11:18 am
waaaa!!!! sana pati bioman ibalik nila. sa linggo nga mag-aalarm na ko ng 9am
February 8th, 2005 at 1:41 pm
ang ganda ng shaider kaso lamang ay pinalitan ng pinoy anime shit how dare u talaga u know sa2bihin ko sa lahat ng fans ng shaider ay ” BALKA C ALEXIS ” yon lng